Monday, October 6, 2008

Taimtin (Solemn)

This was from my Filipino Projects... :D It's a poem about me riding in a jeep with a heavy rain fall... As it was very traffic I made some humanic observations about the water, trash, buildings, etc etc etc. And then, when I looked at the back I saw something different, the total opposite of what has happened that time.. :D

LESSON: TREASURE EVERYTHING THAT COMES BY!

Taimtim


Isang gabi’y pumait ang kulay asul
Ugali nito’y para nang isang ulol
Ang hangin ito’y, ang taong hahamakin
Sa tindi ng galit nito’y, sila’y papawiin

Si kidlat ay marahas
Nagpapakita, kasama’y isang hampas
Nagugulat ang marami
Sa ipinapakita nitong ugali

Ang mga masasamang ulap, luha ay binabaril
Gayon pama’y hindi ito mapipigil
Kasama si Hangin, ito’y lumalagalag
Si Ulan naman’y siyang hindi makapalag

Mga gusaling bato ay gumuguho
Swerte nalang unti-unti ito
Hindi na kailanman tatayo
Dahil sa tubig na dinagdag ninyo

Si dyipni nama’y lumalangoy na
‘Di kayang pumalos ng mag isa
Parang isaw na iniihaw-ihaw
Sa obrang dikit, natalo pa sa paraw

Ang tubig ‘di kayang ilabas pasok
Kung hindi man, tinataboy si usok
Siya nama’y dukhang inosente
Kawawa naman. Tinituring peste

Sa kundisyong madumi o maputik
Si tubig, ay may dalang plastic
Hindi malapit ang ilong sa mabahong amoy
Maligaya siya, kayang magpalabuy-laboy

Sa dinami-daming natanaw
Ang katawan ay biglang napagaw
Napatingin sa likod ng parilya
May nakitang salamin ng kaaya-aya

Ako’y napatitig, may lumabas sa aking isipan
Bumagal ang mundo, tahimik, at nawala ang ulan
Si ilaw, pinasa ang mainit na likuran
Nabighani ako sa magandang tanawan

Malinis, Masaya, lumalangoy sila
Kasama ni alon, mga dyipning nakaparada
Walang kaso, tinatago ang trangkaso
Sabi ni Usok, “Ano ba’ng problema mo?”

Huli na ng nawala ang mga problema
Saglit na kaligayahang aking nadarama
Alam ko ngayon lang ito
At hindi na kami magtatagpo

1 comment:

  1. charmus....

    pwetic ka man pala oi!!!!..hehehhe

    parang dedicated ito sa bagyong ondoy bah...

    basahin ko pa ung iba mong post next time....

    (^_^)kawaii

    ReplyDelete

About Me

My photo
All these things started when I had sickness, chicken pox to be exact. Yeah, I was bored and started to draw. I found a site wherein you could post your drawing, then I also found this site it looks cool and a place for expression. Hehe... Have a nice day!